Philippine Information Agency
14 Aug 2020, 18:08 GMT+10
BAY, Laguna, Agosto 14 (PIA) - Patuloy ang pakikipagtulungan ng Lungsod ng Binan sa mga pabrika sa kanilang lokalidad lalo't malaking bahagi ng kabuoang bilang ng nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) rito ay mula sa naturang industriya.
Sa panayam kay Mayor Walfredo "Arman" Dimaguila sa online program na Laging Handa Network Briefing News ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, ipinaliwanag niya ang mga hakabangin ng pamahalaang lungsod at mga kumpanya sa Techno Parks sa kanilang lugar upang masiguro ang kaligtasan ng mga manggawa mula sa nasabing virus.
"Talagang kalimitan po ngayon, siguro almost 85% (ng nagpositibo sa lungsod) ay galing po sa technoparks sa mga pabrika kaya with the help of our Governor ay nagkasundo kami na magpasara muna ng isang kumpanya sa technopark dahil mataas ang percentage ng bilang nila," paliwanag ni Mayor Dimaguila.
Aniya nang maibaba ang restriksyon sa buong lalawigan ng Laguna kasama ang kanilang lungsod at nagbalikan sa trabaho ang mga manggagawa sa full capacity ay doon biglang tumaas ang kaso sa kanilang lugar sa loob lamang ng anim hanggang pitong araw.
Kaya naman ipinasara nila ang mga apektadong pabrika, nagsagawa ng disinfection, at nag-isyu ng Executive Order para sa pagpapatupad ng protocol na minimum health standards.
Aniya kasama rito ang pagbabalik sa 50 porsiyento ng mga maaari lamang pumasok sa trabaho upang masiguro na maobserba ang social distancing.
"Mayroong ginagawa ang mga companies na mass testing tapos tayo naman ay kasama po tayo rito dahil right then and there ay sinasabayan na rin po natin ng contact tracing tapos inoffer natin ang ating isolation facilities."
Ayon sa Alkalde mayroong kabuuang tatlong isolation facility sa kanilang lungsod.
Matatandaan na kamakailan ay napabalita na mayroong 290 mga manggagawa ang nagpositibo sa NIDEC Philippines sa naturang lungsod.
Sa huling tala kagabi, Agosto 11, alas otso ng gabi ay mayroon nang kabuuang 896 na na kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan 366 ang aktibong kaso at 504 naman ang nakarekober na. (Joy Gabrido/PIA4A)
Get a daily dose of Myanmar Sun news through our daily email, its complimentary and keeps you fully up to date with world and business news as well.
Publish news of your business, community or sports group, personnel appointments, major event and more by submitting a news release to Myanmar Sun.
More InformationNEW DELHI, India: The flight data recorder from the crashed Air India plane was found on June 13. This vital discovery may help investigators...
WUSHI, Taiwan: Inspired by how Ukraine has used sea drones effectively against Russia in the Black Sea, Taiwan is learning how to use...
NEW DELHI, India: Amid mounting U.S.-China trade tensions, Apple has sharply increased iPhone shipments from India to the United States,...
NEW DELHI, India: A scorching heat wave is engulfing northern India, with temperatures rising well above normal and causing significant...
In Nepal's latest attempt to silence online speech, police are trying to arrest a well-known journalist who published on his YouTube...
(250619) -- YANGON, June 19, 2025 (Xinhua) -- Myanmar's Union Minister for Information U Maung Maung Ohn speaks during a book launch...
BEIJING, China: Chinese civil servants are now facing stricter rules on dining together, with some local authorities limiting group...
DUBAI, U.A.E.: As violence escalates between Iran and Israel, Tehran is turning to its Gulf neighbors to help broker a ceasefire —...
LONDON, U.K.: On June 15, Britain named Blaise Metreweli as the first woman to lead the Secret Intelligence Service, commonly known...
BARCELONA/MADRID, Spain: With another record-breaking tourist season underway, thousands of residents across southern Europe marched...
NEW DELHI, India: The flight data recorder from the crashed Air India plane was found on June 13. This vital discovery may help investigators...
BEIJING, China: A typhoon altered its course and struck Hainan Island, southern China, late on the night of June 13. Typhoon Wutip...